You might be wondering why you see only a few Pag-ibig Acquired Assets if you click PROPERTIES UNDER NEGOTIATED SALE on this Pag-ibig Fund web page:

pag-ibig acquired assets under negotiated sale


It's because many other Pag-ibig Acquired Assets are SOLD THROUGH PUBLIC AUCTIONS or THROUGH SEALED BIDDING, and there are more Acquired Assets SOLD through AUCTIONS than through Negotiated Sale.

Ano ba ang Negotiated Sale?  

Yong bibilhin mo ang Acquired Property by submitting your Offer to Buy sa Pag-ibig office, at aantayin mo kung aaprubahan ng Pag-ibig ang iyong offer. Ito yong Pag-ibig Offer to Purchase form.


Ano ang Public Auction or Sealed Bidding?  

Yong isa-submit mo ang iyong Offer to Bid sa Date of Auction, at antayin mo ang pagbukas ng mga bids para malaman mo kung yong price na inoffer mo ang pinakamataas sa lahat ng nag-bid sa property na gusto mong bilhin. Kasama sa envelope ng bid mo ang 10% ng price na inoffer mo, puedeng Cash or Manager's Check payable to Pag-ibig Fund.
Ito ang Pag-ibig Offer to Bid form.

Where are the lists of Pag-ibig Acquired Assets for Bidding?

Just scroll down to see something like below. I-click mo lang yong Date ng gusto mong Auction at makikita mo ang mga lists of Pag-ibig Acquired Assets for Bidding in different branches, including instructions for bidders.
                                                                                  ⬇⬇⬇


Important Things to Remember Kapag Sasali ka sa Public Auction

1.  Ang isama mong cash o cheque sa bid envelope mo ay 10% ng price na ino-offer mo.
Kapag tseke, it should be a Manager's Check payable to PAG-IBIG FUND.

Kapag natalo ang bid mo, ibabalik sa iyo ang cash o tseke mo.
Kapag nanalo ka, magiging downpayment mo yang 10%.

2.  Kung plano mong mag-apply ng Pag-ibig housing loan para mabayaran mo yong buong Acquired Property, dapat magpa-pre-approval ka muna sa Pag-ibig. Siguraduhin mo muna na qualified ka sa Pag-ibig housing loan, at qualified ka sa loan amount na kailangan mo.

Bakit kelangang manigurado? Kasi kapag nanalo ka sa bidding, at umasa ka sa Pag-ibig housing loan, pero later on, hindi naman na-approve ang loan application mo, mafo-forfeit yong 10% na isinama mo sa bidding envelope. Hindi na isosoli sa iyo. Mapupunta sa Pag-ibig.

3.  Kung mataas ang bid price mo, kasi gusto mong ma-sure na ikaw ang manalo, at Pag-ibig housing loan ang gagamitin mo, be prepared to pay an additional down payment, in addition to the 10% that you included in the bid envelope. Ang ipapautang lang ng Pag-ibig sa iyo ay yong 90% of Pag-ibig's appraisal or price.

Ano ang ibig sabihin ng OCCUPIED?

Ang ibig sabihin ay merong nakatira sa Acquired Property. Puedeng squatter, puedeng yong owner na hindi nakapagbayad, puedeng tenant na ayaw nang umalis sa property. 

Kapag OCCUPIED ang property, mas maigi na tumingin na lang ng ibang Acquired Asset. Marami nang nagsisisi na bumili sila ng Acquired Asset kasi hindi talaga nila mapaalis ang nakatira. Ang nakasulat sa Pag-ibig Sale Notice at sa mga documents na pipirmahan mo ay AS-IS WHERE IS -- ibig sabihin kung ano ang itsura o sitwasyon ng property, yon ang bibilhin mo, at mapupunta sa iyo, pati yong problema ng pagpapaalis ng illegal occupant. Hindi Pag-ibig ang magpapaalis ng illegal occupants. Ikaw na buyer.

You need to inspect the property before offering to purchase or bid. Baka merong nakatira sa property kahit nakasulat sa Sale Notice na UNOCCUPIED. O baka sobrang pangit ang location, o baka sobrang sira-sira na ang property na mas maganda pang bumili ng vacant lot, kasi pag sira-sira na, gagastos ka pa sa demolition, samantalang sa vacant lot ay hindi na.